ang labo

July 11th, 2005 by exatenista

bakit ba hindi ko maintindihan ang mundo at mga pangyayari dito…. minsan para bang nang-aasar lang at lalo kang nilulugmok pababa… laging kabaligtaran sa inaasahan ang siyang nangyayari….

kung kailan inaakala mo na okey na ang lahat, bigla naman sumasamama ang pangyayari….

kung kailan akala mo na pabor na ang mga nasa paligid sa iyo, saka naman nagkakaroon ng mga balakid….

kung kailan akala mo tuloy-tuloy na, saka naman ito mapuputol….

kung kailan inaakala mo na napapalapit na kayo sa isa’t-isa, saka naman magkakalayo ang inyong kalooban….

kung kailan akala mo na lubos mo na siyang nakikilala, doon ka naman lalong nalalabuan sa kanyang katauhan….

kung kailan buo na ang tiwala mo sa kaniya, bigla naman dumarating ang ilang pagdududa….

kung kailan nagpasyahan mo ng magseryoso, saka naman makikipagbiro ang tadhana….

samantalang noong ikaw ang nagbibiro, sineseryoso ka naman ng mga nasa paligid….

at higit sa lahat, kung kailan inaakala mo na mahal niyo ang isa’t isa, saka naman sinabing iwasan ang isa’t isa….

ayaw mong masaktan pero lalo kang sinasaktan… pilitin mang pigilan ang pag-iyak, patuloy sa pagluha ang mga mata… ibaling man sa iba ang isipan, patuloy na bumabalik ang mga alaala… kalimutan man ay sadyang napakahirap sapagkat patuloy sa dinadalaw ang isipan….

GUSTUHIN KO MAN NA SANA’Y MABASA MO ITO, HINDI MO NAMAN MAGAWA ITONG SULYAPAN….

naiinip na

July 3rd, 2005 by exatenista

july na po at may mga ilang buwan o taon ang aking bibilangin bago pa tuluyan akong makatakas sa poder ng paaralan… kung tutuusin, dapat ay nakapagtapos na ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo ngunit dahil sa aking mga masamang gawain kaya naudlot ito… nakakailang paaralan na rin ang aking napapasukan at pangatlo na nga ang kolehiyong pinapasukan ko ngayon. sa aking pagpasok, minsan ay sinusumpong ako ng katamaran at pumapasok sa akin isipan na huwag na akong pumasok…

nakakalungkot isipin na ang ilan sa mga kakilala at kaibigan ko ay namamasukan na sa ilang mga kompanya sa bansa… napapaisip ako kung kailan mangyayari sa akin iyon at magagawa ko din ba na mamasukan sa kompanyang naisin ko…

wehehe… ito na naman po ako at nagsisimula sa aking pagdradrama sa buhay… kailan ba matatapos ang pahirap na ito sa akin….